=A 20-YEAR OLD HUMAN VIEW=
(Time starts now.)
UNANG KABANATA..
Marahil nagtataka ka kung bakit ko ginawa ang bagay na ito.
Marahil nag-iisip ka para saan ba ang ginawa ko.
Pwes, gusto kong malaman mo.
Wala lang. Trip ko lang magsulat. :)
Umpisahan na natin.
Tatanungin kita. Pwede ba? :)
Para sa'yo ano nga ba ang pag-ibig?
Maraming nagtatanong saken niyan.
Nung elementary at highschool, sa SLUMBOOK..
Di ba? Usong uso yan dati. WHAT IS LOVE?
Iba iba nga ang sagot ng mga kaklase ko. Ang pinaka-popular na sagot ay:
LOVE IS BLIND.
Actually, wala nga akong maisagot dun. Nangogopya lang ako sa sagot ng iba. Haha.
Oo. Malay ko ba sa LOVE na yan. Hindi ko nga alam kung ano yan eh. (weh?) Tapos English pa yung tanong,mas lalo kong hindi masasagutan.
Pero ang naaalala ko, madalas kong sagot (
Oh di ba. Taray ng sagot ko. Pero ang totoo, hindi ko naman talaga naiintindihan. May maisagot lang. Para wala akong blangko. Mahirap na. Dapat may sagot lahat para may mababasa sila (mga kaklase ko).
Katunayan pa nga. Kapag nagbabasa ako ng slumbook, yan ang una kong tinitignan. Ewan ko kung bakit. May something eh. Hindi ko alam.
Well, as years go by. Tinatanong ko pa rin sa sarili ko. WHAT IS LOVE?
Ang dami ko ng mga sagot na nakita. Lalong lalo na sa internet. Nagkalat ang sagot diyan. Iba ibang pananaw. Iba ibang ideya. Pero ako mismo. Hindi ko pa rin masagot. Para kasing may bumabalot na kasamaan/kabutihan sa tinatawag nilang PAG-IBIG.
Saka mo nga lang ba mailalarawan o mabibigyan ng depinisyon ang isang bagay (hindi nahahawakan) kung naranasan mo na ito?
Sabi yan sa amin nung professor ko nung second year college. Wala ka raw karapatan magbigay ng payo sa ibang tao kung ikaw mismo hindi mo pa naranasan ang pinagdaraanan niya.
Sa bagay. May punto siya. Paano ka nga naman magbibigay ng payo kung ikaw mismo hindi mo naman maramdaman yung sarili mo sa sarili niya.
Balikan natin ang tanong ko.
Para sa'yo ano nga ba ang pag-ibig?
Tagalog? English?
Ilang letters ba?
Tao ba yan? Hayop? Bagay?
Nahahawakan? Nararamdaman? Nakikita?
Nakakain ba ito?
(Time Stops. Game Over. Sorry. Hindi niyo nahulaan.)
Ang pag-ibig sa unang kabanata. Bow.
[kung nais makakuha pa ng detalye tungkol sa tunay na depinasyon ng pag-ibig,mangyaring hintayin lamang ang susunod na kabanata.:) ]




Comments
Post a Comment