Pag-ibig,tila HORROR na eksena sa buhay.






Ang Pag-ibig ay parang isang HORROR.

Bakit?

Ang dami kasing natatakot.

Takot na takot sila.

Nakakatakot ba magmahal? Parang hindi naman. 



Sa pagkakaalam ko,hindi naman nakakatakot ang UMIBIG.

Ngunit sa kabila ng mga hindi maipaliwanag na karanasan kaya marami sa atin ang natatakot.

Natatakot masaktan (MULI).

Natatakot matali sa commitment na hindi kayang panindigan.

Natatakot mapunta sa maling tao (NA NAMAN).

Natatakot maiwanang luhaan at magdurusa.

Natatakot na mangyari ulit ang nakaraan (NA HINDI NAMAN NAGING MAGANDA).

Hindi naman talaga nakakatakot ang umibig.

May mga bagay at pangyayari lang na hindi mo matanggap kaya ka natatakot.

May mga bagay na hindi mo naintindihan kaya akala mo ikaw na ang pinakamalas na tao dahil napunta ka sa kanya.

May mga bagay na masyado kang umasa at sa huli nabigo ka lang.

At may mga pagkakataon na akala mo "siya na",pero hindi pa pala.

Huwag kang matakot. Dahil wala naman dapat ikatakot.

Maging masaya. Maging malaya. At higit sa lahat maging matapang.

Maging matapang na harapin ang inakala mong HORROR NA EKSENA SA BUHAY MO.




Comments